Nanindigan si incoming Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na walang ransom ang ginawang pagpapalaya ng Abu Sayyaf sa bihag nilang Pilipina na si Marites Flor.
Ayon kay Dureza, isang act of goodwill ang ginawang pagpapalaya kay Flor dahil batid aniya na matindi ang pagnanais ni incoming President Rodrigo Duterte na mapalaya ang mga bihag ng Abu Sayyaf.
Ipinabatid ni Dureza na naisakatuparan ang release kay Flor sa tulong ni Sulu Governor Abdusakur Tan at local contact nito.
Hindi rin inaasahan ni Dureza na ganito magiging kabilis ang pagtugon ng Abu Sayyaf sa pagsusumikap ng gobyerno na mapalaya ang bihag na si Marites Flor.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP WesMinCom via Jonathan Andal (Patrol 31)