Isiniwalat ng teen actress na si Liza Soberano na pinayagan na siya ng kanyang daddy na makipag-date sa loveteam nitong si Enrique Gil.
Kwento ng 18-anyos na si Liza, pinaalalahanan umano siya ng kanyang daddy na alamin ang kanyang priorities.
Sinabi ni Liza na sa ngayon ay ayaw muna nilang lagyan ni Enrique ang kanilang relasyon pero umaasa ang dalagita na may forever para sa kanila ni Enrique.
Samantala, ayon naman kay Enrique, ramdam niya na malaki ang pag-asa niyang magiging sila rin sa huli ni Liza.
Sinabi ng aktor na sila ang nagpauso ng “may forever” kayat nakalulungkot naman aniya kung sila ang walang forever ni Liza.
By Ralph Obina