Inamin ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na pinag-iisipan din niya kung tatakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Ito’y sa kabila ng kasong plunder o pandarambong na kinahaharap ng senador sa Sandiganbayan bunsod ng maanomalyang pork barrel fund scam.
Inihayag ng senador makaraang maunsyami ang pre-trial hearing ng kaso ni Revilla sa First Division ng Anti-Graft Court na wala naman siyang nakikitang ligal na hadlang para hindi tumakbo sa pagka-Pangulo o di kaya’y Pangalawang Pangulo.
Gayunman, tumanggi munang magbigay ng kongkretong sagot si Revilla hinggil sa usapin ngunit inamin nito na may ilang grupo na kumakausap sa kaniya.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)