Posibleng palayain na rin anumang araw mula ngayon ang Norwegian national na bihag ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Sulu Vice Governor Abdusakur Tan, malaki ang tiwala ng ASG sa administrasyon ni incoming President Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, ang pagpapalaya anya sa Pilipinang si Marites Flor ay bilang act of goodwill sa panig ng ASG ay isang patunay na bukas silang makipagkasundo sa gobyerno ni Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan
No to peace talks
Tutol si Sulu Vice Governor Abdusakur Tan na makipag-peace talks ang pamahalaan sa Abu Sayyaf.
Ayon kay Tan, isang criminal group ang ASG kayat hindi puwede ang pag-uusap na tulad ng isinagawa ng gobyerno sa mga rebeldeng grupo tulad ng MILF, MNLF at komunistang grupo.
Binigyang diin ni Tan na hindi naman puwedeng ibalewala ang mga krimeng nagawa ng ASG dahil marami sa mga ito ay nakasampa na sa korte.
Gayunman, nilinaw ni Tan na ayaw rin nila ng all out war laban sa ASG.
Mas tama anya na tutukan ng incoming administration ang pagsasaayos sa mga problema ng komunidad na kalimitan ay nakikisimpatiya sa ASG dahil sa kahirapan.
Bahagi ng pahayag ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: www.mindanews.com