Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad sa mga aktibidad sa West Philippine Sea.
Ito ang tiniyak ng Malacañang kasunod ng naging babala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga piloto kaugnay sa rocket launch ng China sa Hainan Island.
Pinayuhan ng CAAP ang mga piloto na umiwas muna sa kanilang flight route na posibleng daanan ng nabanggit na rocket.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang dapat na ipangamba dahil masinsing tinututukan ang mga kaganapan sa mga teritoryong inaangkin ng China.
Sinabi pa ng kalihim na ang kaligtasan ng mamamayan ang prayoridad ng gobyerno kaya nakatutok sila para makapaghanda at mapanatili ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Ang rocket na tinawag na Long March 7 ng China ay isang bagong generation rocket na posible umanong gawing main carrier ng China sa kanilang space missions.
By Aileen Taliping (Patrol 23)