Mas matinding paghahanda ang ginawa ng Philippine National Police (PNP) para tumugon sa panahon ng kalamidad.
Walong clusters mula sa iba’t ibang units ng PNP ang binuo para agad na tumugon kapag may tumamang kalamidad sa bansa.
Kabilang sa mga binuong grupo ang search, rescue and retrieval cluster, law and order cluster, dead and missing cluster, emergency and telecommunications cluster, food and non-food cluster at iba pa.
Maliban sa law and order cluster, ang iba pang clusters ay magsisilbing support group ng ibang ahensya ng pamahalaan na tumutugon sa kalamidad ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Samantala dalawang batalyon ng mga pulis ang inilagay sa law and order cluster upang tiyaking mananatili ang kapayapaan at kaayusan sa isang lugar na nasalanta ng kalamidad.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)