Ibabalik ni President-elect Rodrigo Duterte ang Family Planning Program sa bansa kung saan hanggang 3 lamang ang maaaring maging anak.
Naniniwala si Duterte na makatutulong sa paglago ng ekonomiya ang 3-child policy.
Sa kanyang talumpati sa huling flag raising ceremony niya bilang Mayor ng Davao city, sinabi niyang kailangang maging proactive ng mga social worker.
Gayunpaman, aminado si Duterte na magiging magkasalungat sila ng simbahan sa nasabing usapin dahil magkaibang pananaw nila sa isyu ng pagpapamilya.
By: Avee Devierte