Ipinagmalaki nina PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez at DILG Sec. MEL Senen Sarmiento ang kontribusyon ng CIDG sa pagsugpo ng krimen sa bansa.
Sa blessing ng bagong gawang ikatlong palapag ng CIDG Building sa Kampo Krame, sinabi ni Marquez na 50 porsiyento o kalahati ng accomplishments ng PNP sa nakalipas na 10 buwan ay trinabaho ng naturang police unit.
Aniya sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng law enforcement operations, nagawa ng PNP-CIDG na makapaghain ng sabay-sabay na mahigit 100 search warrants sa loob lamang ng isang araw.
Kasabay nito, inamin ni outgoing DILG Sec. Mel Senen Sarmiento na nagsagawa sila ng surveillance sa ilang Local Government Units.
Ayon kay Sarmiento, ito’y dahil may nakatanggap silang intelligence report kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng ilang local officials sa operasyon ng iligal na droga.
Gayunman, batay sa isinagawa nilang validation, lumalabas na ang pagkakadawit ng ilang LGU’s ay pakana lang umano ng kanilang mga kalaban sa pulitika.
By: Jelbert Perdez