Muling umaray ang kampo ni Vice President Jejomar Binay kaugnay pa rin ng ginawang pag-cite in contempt ng senado sa ilang indibidwal na ini-uugnay sa Bise Presidente.
Kasunod ito ng ginawang pagpapaaresto ng mga senador sa Finance Officer ni Binay na si Gerardo Limlingan at iba pang personalidad bunsod ng sinasabing patuloy na pang-iisnab sa imbestigasyon ng mataas na kapulungan.
Sa panayam ng DWIZ kay Atty. JV Bautista, tagapagsalita ni VP Binay, binigyang diin nito na hindi nasunod ang tamang proseso ng batas o due process sa naturang usapin.
“Yung contempt power ay sa judiciary talaga yan, at ang pagpa-cite in contempt ay infact ifina-file na kaso yan at dinidinig, kasi kailagan madinig ka muna. Nananahimik ka sa iyong bahay tapos aarestuhin ka, hindi mo malaman kung anong dahilan pagkatapos, ikukulong ka.” Pahayag ni Bautista
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit