Bibigyang importansiya at ikukonsidera ng Committee on Local Government ang mga naging findings ni Senate Committee on Constitutional Amendments Chairman Miriam Santiago hinggil sa constitutionality ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay Marcos, seryoso nilang ikukonsidera ang mga nakapaloob na babala ni Santiago sa kanyang committee report dahil ibinatay ito sa opinyon ng mga legal experts na ipinatawag sa isinagawang pagdinig ng komite.
Nakapaloob sa report ni Santiago na hindi maaaring maipasa ng kongreso ang BBL nang walang kaukulang pag-amyenda sa konstitusyon o charter change.
Giit ni Marcos, ayaw naman nila na ang maipapasa nilang BBL ay maidedeklara lang na unconstitutional ng Korte Suprema dahil mababalewala at mawawalang saysay lahat ng kanilang pinaghirapan.
Dahil dito, hindi aniya makatwirang madaliin nila ang pagpapasa ng BBL para lang maihabol sa itinakdang deadline ng Malacañang.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)