Lumabas ng palasyo ng Malacañang at nakisalamuha sa mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pamilya pagkatapos ng kanyang inagurasyon.
Sa monitoring ng Dwiz patrol, unang lumabas si Davao City Mayor Sarah Duterte at sinundan ng kanyang mga kapatid na Sina Paolo at Baste at ng kanilang Ina na si Elizabeth Zimmerman.
Sa kabila ng mahigpit na seguridad ay nakipag selfy pa din ang unang pamilya sa mga taga suporta ng kanilang ama.
By: Katrina Valle