Walang ibinibigay na anumang comittment sa laban si retired boxing champion Manny Pacquiao.
Ito ang nilinaw ngayon ng business adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz sa harap ng isinusulong ni hall of famer coach Freddie Roach na malakalaban ni Pacquiao si WBO junior welterweight champion Terrence Crawford.
Sinabi Koncz, walang napagkakasunduan sa ngayon dahil sa abala aniya ang pambansang kamao sa paggampan nito sa tungkulin bilang senador.
Matatandaang kahit wala pa mang laban ay inireserba na ni Top Rank CEO Bob Arum ang petsang October 15 para sa posibleng pagbabalik sa boksing ni Pacquiao.
By Ralph Obina