Nanawagan ang 300 pasahero ng Cebu Pacific na na-stranded sa Mumbai, India, sa airline na ipaalam sa kanila ang status ng pag-uwi nila sa Pilipinas.
Ayon kay Kate Garces, isa sa mga pasahero ng flight 5J 015 na umalis sila sa Dubai noong Hunyo 28 at nang sila ay nasa ere na, nang ianunsyo ng piloto ang pangangailangan na mag-emergency landing dahil sa problema sa makina.
Hanggang ngayon aniya ay hindi pa sila sinasabihan ng Cebu Pacific kung kailan sila makakabalik sa Pilipinas.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)