Tiniyak ni Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog na sasampahan nila ng kaso si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Labog, ito ay kaugnay sa ilegal na pag-aresto at pagsasampa ng kaso sa kanilang mga negosyador.
Binigyang diin ni Labog na halatang gawa-gawa lamang ang mga kaso laban sa kanilang hanay dahil kasama sa mga kinasuhan ay isang babae na hindi na makagulapay na sangkot umano sa iba’t ibang aktibidad sa magkakaibang probinsya.
Bahagi ng pahayag ni KMU Chairman Elmer Labog
Rallies
Mananatili pa din sa mga kalsada ang iba’t ibang progresibong grupo, sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog, na ito ay para kanilang maipakita sa Pangulo, ang kanilang pagsuporta.
Inihayag din ni Labog na kakaiba at napakaganda ng kanilang naramdaman nang sila ay imbitahan ng pangulo sa loob ng Palasyo ng Malacañang, kahapon.
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas