Nanindigan si DFA Secretary Perfecto Yasay na mananatiling kalmado ang Pilipinas hinggil sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China.
Reaksyon ito ni Yasay kasunod ng napipintong paglabas ng desisyon ng Arbitration Court sa isinampang kaso ng bansa laban sa China sa July 12.
Ayon kay Yasay, hindi rin gagawa ng aksyon ang bansa na magpapataas sa tensiyon anuman ang maging resulta ng desisyon, pabor man o hindi ito sa Pilipinas.
Pero sa kabila nito, hindi aniya ito nangangahulungang magiging soft o malambot ang bansa sa China sa isyung ito.
Basta’t ang tiyak lamang aniya ayon kay Yasay ay pag-aaralan nila ang desisyon.
Nangako rin si Yasay sa international community si yasay Na mananatiling madiplomasya ang Pilipinas.
By: Avee Devierte