Nanawagan ang Indonesia sa Pilipinas na aksyunan kidnapping for ransom ng Abu Sayyaf Group.
Kasabay ito ng pagdalaw ni Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi.
Sa paghaharap Nina MarsudI at Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, tinalakay ang isinasagawa nilang rescue efforts sa pitong Indonesian na bihag ngayon ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Marsudi, nagkasundo ang Indonesia at Pilipinas ang pagpapaigting ng kanilang komunikasyon upang magkatuwang na masawata ang operasyon ng bandidong grupo.
By: Avee Devierte