Hinihimok ng United Nations ang Myanmar na imbestigahan ang naganap na pag-atake sa isa sa mga moske roon at itigil na ang religious violence.
Matatadaang nilusob at sinira ng isang grupo ng mga kalalakihan noong isang linggo ang isang moske dahil sa awayan sa pagpapatayo nito.
Isang Muslim ang nabuntal ng mga nasabing kalalakihan na nagmula pa sa isang komunidad sa Central Myanmar
Sa isa pang hiwalay na insidente ng religious violence, sinunog ng mga Buddhist ang isang Muslim prayer hall sa northern Kachin State.
Ayon kay UN Special Rapporteur on Human Rights na si Yanghee Lee, nakababahala ang mga ulat na hindi tinutugunan ng gobyerno ng Myanmar ang mga nasabing insidente ng karahasan.
By: Avee Devierte