Susuriin ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo ang pondo para sa conditional cash transfer at ang mga donasyon na natanggap ng bansa para sa mga biktima ng bagyong yolanda.
Ayon kay Taguiwalo, kabilang sa nais nilang alamin ay kung magkano pa ang pondo para sa CCT, at kung sino – sino ang benepisyaryo at kung papaano ito ginastos.
Sinabi ni Taguiwalo na nais din niyang malaman kung ano na ang sitwasyon ng mga donasyon para sa mga biktima ng Yolanda.
By: Katrina Valle