Pinasususpinde ng bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue o BIR na Si Caesar Dulay ang lahat ng mga imbestigasyong sinimulan ni dating BIR Commissioner Kim Jacinto – Henares
Ayon kay Dulay, ito’y dahil sa impormasyong kanilang natanggap na ginagamit umano ang mga nasabing imbestigasyon sa pang-aabuso at katiwalian
Partikular na pinasususpinde ni Dulay ang lahat ng mga Revenue Memorandum Order na ipinalabas ni Henares mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30
Nang tanungin naman ang panig ni Henares, sinabi nito na malaya si Dulay na gawin ang nais niya sa kawanihan at wala na aniya siyang kamay dito dahil umalis na siya sa puwesto
By: Jaymark Dagala