Nakatakdang isagawa sa July 15 hanggang 31 ang registration ng mga botante para sa barangay at SK elections sa October 31.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Luie Guia, hindi na nila palalawigin ang registration dahil gipit na sila sa oras at halos tatlong buwan na lamang ang kanilang paghahanda para sa barangay at SK elections.
Sinabi ni Guia na may 15 araw naman ang nais na magsampa ng protesta sa nasabing scheduled registration.
By Judith Larino | Allan Francisco (Patrol 25)