Patay ang isang hostage taker nang manlaban sa mga otoridad habang nasa loob ng police mobile sa Bacoor, Cavite
Ang suspek na si Angelo Allampayan ay nasawi habang patungo sa isang ospital para sana sa medical examination dito
Halos 3 oras na hinostage ng suspek ang 4 katao at pinaputukan ang isang pulis matapos maghinalang hinahabol siya ng mga otoridad
Alas 6 kagabi nang ikasa ng Bacoor Police ang kanilang operasyon para tugisin ang isa sa 5 drug personalities sa naturang lugar
Inakala ni Allampayan na siya ang target ng operasyon kaya’t pinaputukan ang isang pulis bago tumakbo sa bahay ng kaniyang live in partner at hinostage ang 4 na kapitbahay nito
Kinagat umano ni Allampayan sa braso ang isang pulis habang nasa loob ng mobile kayat nakipag buno sa kaniya ang iba pang pulis sa sasakyan at pinaputukan siya
By: Judith Larino