Pormal nang sinimulan ngayong araw na ito nina US President Barack Obama at democratic party nominee Hillary Clinton ang kampanya para sa US elections sa November
Kapwa pursigido sina Obama at Clinton na mapanatili ang legacy ng kanilang political party
Sakay ng Air Force One unang nagtungo sina Obama at Clinton sa Charlotte sa North Carolina para sa isang campaign rally
Itinuturing na malaking advantage ang pagsama ni Obama sa kampanya ni Clinton para mas mapalakas pa ang popularidad ng dating First Lady sa publiko
Magugunitang magkalaban sina Obama at Clinton sa 2008 Democratic Primary na napagtagumpayan ni Obama
By: Judith Larino