Ipinagiba ng Gobernador ng Cagayan ang rebulto ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa harap ng kapitolyo ng lalawigan.
Ayon kay Mamba, hindi dapat dakilain si Enrile dahil nagdala ito ng kahihiyan sa mga Cagayanos makaraang makasuhan at makulong dahil sa kasong Plunder.
Maliban sa pagkakasangkot ni Enrile sa PDAF Scam, sinabi ni Mamba na sangkot rin sa isyu ng korupsyon at karahasan sa Cagayan ang mga Enrile at mga tauhan nito.
Ang rebulto ni Enrile ay ipinatayo nuong 1984 ni dating Governor Justiniano Cortez bilang pasasalamat sa suporta sa kanya ng dating Senador.
By: Judith Larino