Mayroong 7 araw ang NAPOLCOM o National Police Commission para imbestigahan ang ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na limang heneral na dawit sa illegal drugs operations.
Ipinabatid ito ni NAPOLCOM Vice Chair Rogelio Casurao.
Sinabi ni Casurao na matapos ang isang linggo ay malalaman na ang magiging kapalaran ng mga aktibong heneral na pawang itinatanggi ang taguring protektor ng illegal drug trade.
Bahagi ng pahayag ni NAPOLCOM Vice Chair Rogelio Casurao
Samantala, isang malaking hamon sa NAPOLCOM ang anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa limang retirado at aktibong heneral na dawit sa illegal drugs operations.
Sa isinagawang En Banc ng NAPOLCOM, sinabi ni Vice Chair Rogelio Casurao na hamon sa kanila kung paano nila matutugunan ang naturang usapin na ngayon lamang aniya nabunyag.
Magugunitang ibinunyag kahapon ni Duterte na protektor ng illegal drugs operations sina dating General Marcelo Garbo at ngayo’y Daangbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at aktibong heneral na sina Edgardo Tinio, Joel Pagdilao at Bernardo Diaz.
Bahagi ng pahayag ni NAPOLCOM Vice Chair Rogelio Casurao
By Judith Larino
Photo Credit: gmanetwork