Desidido ang Gilas Pilipinas na makabawi mamayang gabi kontra New Zealand matapos matalos sa kamay ng France sa FIBA Olympic Qualifier.
Ayon kay Marc Pingris, isa sa mga dahilan ng kanilang pagkatalo kagabi ay maraming turnover.
Sinabi ni Pingris ito ang nais nilang limitahan ang kanilang mga error mamayang gabi upang maging maganda ang resulta ng laban.
Malioban dito, nakita naman ni Jeff Chan na nawala ang ball movement ng Gilas at naging one on one ang laban kayat nahirapan silang makapuntos.
Nangako naman si Andray Blatche na hindi na sila muling makakapante sa oras na sila ay lumamang mamaya kontra New Zealand.
Matatandaang nagawa kahapon ng Gilas na lamangan ng sampu ang France ngunit bigo silang mapanatili ito hanggang sa tuluyan silang matalo sa iskor na 84-93.
By Ralph Obina