Nabigyan ng mali at nakakalasong impormasyon ang Pangulong Rodrigo Duterte
Binigyang diin ito ni dating PNP Deputy Director General Marcelo Garbo, Jr. Matapos idawit ni Duterte na kabilang sa 5 heneral na protektor ng drug syndicates
Ayon kay garbo hindi niya masisisi ang Pangulo sa ginawang anunsyo subalit nais niyang tiyakin dito at maging sa sambayanan na mali at nakakalason ang mga impormasyong nakuha nito laban sa kaniya
Sinabi ni Garbo na maituturing na malungkot na araw kahapon para sa mga naniniwala sa good governance, righteousness at integrity
Handa aniya siyang kausapin ng one on one si Duterte para malinaw ang usapin at malinis ang kaniyang pangalan
By: Judith Larino