Nakalaya na ang isa pang bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf na dinukot sa Zamboanga City nuong isang taon
Kinilala ni Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command o WESMINCOM ang biktima na si Araji Maani, isang negosyante
Pinalaya si Maani sa bahagi ng barangay Wani Piyanjihan sa bayan ng Parang, Lalawigan ng Sulu
Isinailalim sa counseling ang biktima sa tulong ng Joint Task Force Sulu gayundin ng Sulu Police Provincial Office at iba pang Law Enforcement Agency
Kahapon, naka-engkuwentro ng 35th Infantry Battalion ang humigit kumulang 20 Abu Sayyaf sa barangay Maligay sa Patikul Sulu kung saan, isa ang nalagas sa panig ng mga bandido
Sa kasalukuyan ayon kay Tan, 9 na banyaga at 3 Pilipino pa ang bihag ngayon ng Abu Sayyaf Group
By: Jaymark Dagala