Isa nang super typhoon ang bagyong Butchoy habang patuloy na lumalapit sa Taiwan area.
Sa panayam ng DWIZ kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Forecaster Meno Mendoza, ito’y huling namataan sa layong 285 kilometers sa Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 220 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso naman na umaabot sa 255 kilometers per hour.
Inaasahan pa rin na ang bagyong Butchoy ay patuloy na tatahak sa direksiyong Hilagang Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Patuloy pa ring nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands.
By Drew Nacino | Jelbert Perdez