Pinabulaanan ni Incoming Speaker Pantaleon Alvarez ang ulat na hindi gagawin sa Batasang Pambansa ang kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Alvarez, malinaw ang isinasaad ng batas na kailangang maglahad ng kanyang ulat sa bayan ang Pangulo ng bansa kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.
Giit ni Alvarez, imposible aniyang mangyari na walang SONA ang Pangulo o di kaya’y hindi sa Batasan gawin ito.
Lumutang ang balita matapos hindi magpakita sa Batasang Pambansa si President Duterte sa kanyang proklamasyon bilang Pangulo ng bansa.
By Jaymark Dagala