Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang magiging opisyal na tahanan sa Maynila sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Ito’y makaraang kumpirmahin ni Presidential Management Staff Secretary Christopher Bong Go na sa Bahay Pangarap piniling manirahan ng Pangulo.
Magugunita ang Bahay Pangarap ang nagsilbi ring official residence ni dating Pangulong Benigno Aquino III nang manungkulan ito sa puwesto.
Bago ang inagurasyon ng Pangulong Duterte, ininspeksyon na ang Bahay Pangarap ng transition team ng bagong Pangulo.
Nasa loob lamang ng Presidential Security Group o PSG Compound ang Bahay Pangarap na tawid ilog lamang mula sa Palasyo ng Malacañang.
By Jaymark Dagala