Labing tatlong (13) sundalo mula sa Philippine Army ang nagpositibo sa sorpresang drug test na isinagawa sa Fort Bonifacio.
Dahil dito, inilagay muna sa custody ng pamunuan ng Philippine Army ang mga nagpositibo sa drug test upang isalang sa confirmatory test at maimbestigahan.
Ayon kay Army Spokesman, Col. Benjamin Hao, tatanggalin sa serbisyo ang mga sundalo sa sandaling mag-positibo sila sa confirmatory test.
Napag-alaman kay Hao na umaabot na sa mahigit 200 sundalo sa buong bansa ang natanggal sa serbisyo dahil sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs.
By Len Aguirre