Binalaan ng China ang Estados Unidos laban sa posibleng pakikialam nito sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Batay sa di umano’y pag-uusap nina Chinese Foreign Minister Wang Yi at US Secretary of State John Kerry sa telepono, ipinaalala ni Wang ang pangako ng Amerika na hindi kakampi sa kahit anong bansa sa isyu ng agawan ng teritoryo.
Iginiit ni Wang na hindi nila kinikilala ang hurisdiksyon ng International Court of Arbitration sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Una nang sinabi ng Amerika na posibleng paigtingin nila ang freedom of navigation patrols, malapit sa mga inaangkin at mga nilikhang isla ng China sa South China Sea.
Sa Martes, July 12 inaasahang ilalabas ng International Court of Arbitration ang desisyon sa kasong isinampa ng Pilipina laban sa China.
By Len Aguirre
Photo Credit: Reuters