Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na pawang lehitimong operasyon ang isinasagawa ng PNP sa kampanya kontra illegal drugs.
Kasabay nito ay pinawi ni Dela Rosa ang pangamba ng mga Human Rights Groups na posibleng gawing inspirasyon ng mga vigilantes ang sunod sunod na pagkamatay ng mga drug dealers.
Binigyang diin ni Dela Rosa na titiyakin nyang pawang lehitimong operasyon ang mangyayari sa ilalim ng kanyang pamunuan dahil ayaw nya sa mga vigilante.
Ayon kay Dela Rosa, kahit sino na lamang ay puedeng pumatay nang walang due process kung kukunsintihin ng estado ang mga vigilante.
Binalaan ni Dela Rosa ang mga pulis na hindi nya sila sasantuhin sakaling gumawa ng kalokohan sa kanilang anti illegal drug campaign.
By: Judith Larino