Iminungkahi ni Kabayan Party List Representative Harry Roque na ilipat na lamang ang Malacañang sa Mindanao sa halip na isulong ang Pederalismo.
Ayon kay Roque, maaaring sa Maguindanao ilagay ang seat of power lalo’t naroroon ng tensyon.
Aniya, kung maililipat ang palasyo ng Malacañang sa Mindanao, magsisilbing pambawi ito sa kawalan ng hustisya na naranasan doon sa mahabang panahon.
Sinabi naman ni Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe, bukod sa paglipat ng palasyo sa Mindanao, dapat ding ilipat ang iba pang ahensya ng gobyerno na nasa Metro Manila.
Ilan, aniya, sa mga dapat ilipat sa Mindanao ang Department of Agriculture at Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Batocabe, sa ganitong paraan, hindi limitado ang resources ng gobyerno at mapabibilis ang pagbibigay ng serbisyo lalo na sa mga taga-lalawigan.
By: Avee Devierte