Ayon sa UN Population Fund, sa mga bansa sa Asya Pasipiko, sa Pilipinas lamang tumaas ang Teen Pregnancies sa nakalipas na 20 taon.
Batay sa pag-aaral, maaring bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga insidente ng maagang pagbubuntis, mataas na bilang ng mga walang trabahong kabataan, at ang pagbaba ng Overall Fertility Rate.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni UN Population Fund Country Representative Klaus Beck ang buong pagpapatupad ng Reproductive Health Law sa Pilipinas at pagbibigay ng kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan sa mga kabataan.
By: Avee Devierte