Iimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang video ng umano’y pag-torture ng hepe ng Carmona, Cavite Police sa isang datainee.
Ayon kay CHR Executive Director Marc Sebreros, ang torture, extra judicial killings at forced disappearances ay nananatiling laganap sa pulis at militar.
Batay sa datos ng Chr, 70 nang kaso ng torture ang naitala noong 2013 habang 60 naman noong nakaraang taon.
Naniniwala si Sebreros na marami pa rin ang hindi naisasama sa bilang ng mga biktima ng torture dahil sa ilan aniya sa mga ito ay maaaring nangangamba para sa kanilang kaligtasan.
Samantala, binigyang diin naman ng pamunuan Philippine National Police (PNP) na hindi nila tinotolerate ang anumang uri ng torture.
By Ralph Obina