Ipinarerepaso ng 3 senador ang umiiral na fire code at mga batas patungkol sa occupational safety standards.
Ito’y bunsod na rin ng malaking sunog sa isang pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City na ikinasawi ng 72 katao.
Ayon kay Senador Sonny Angara, acting Chairman ng Senate Committee on Labor, kailangan nang repasuhin ang mga batas para sa mga manggagawa para matukoy kung kulang at kung naipatutupad sa ng mga ahensya ng gobyerno sa national at local level.
Tinukoy ni Angara na sa kaso ng nasunog na pabrika ng Kentex Manufacturing kung saan pumasa ito sa Labor Law Compliance System nung naaraang taon, pero matapos ang sunog, natuklasan na kulang ang pabrika sa mga pasilidad at mekanismo para sa kaligtasan ng mga trabahador.
Samantala, naghain naman ng magkahiwalay na resolusyon sina Senador Bongbong Marcos at Cynthia Villar para dinggin ng senado ang sunog sa Kentex.
By Meann Tanbio