Hinimok ni Senador Leila De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na paalalahanan ang pulisya na, sa pagpapatupad ng opensiba laban sa iligal na droga, mahalagang sumunod sa batas.
Sinabi ni De Lima na bagaman walang mali sa pag-uudyok ng Pangulo sa kapulisan na hulihin ang lahat ng may kinalaman sa iligal na droga, baka akalain ng mga pulis na inuudyukan din silang pumatay sa mga walang kalaban-labang suspect.
Kaugnay nito, paalala ni dating Justice Secretary at Chair ng Commission on Human Rights De Lima kay Pangulong Duterte na piliin nito nang maigi ang mga salitang bibitawan nya sa lahat ng kanyang direktiba.
By: Avee Devierte