Magtutuloy-tuloy na ang pinahabang operasyon ng LRT-1 sakaling maging maganda ang resulta ng isang buwang dry run na sinimulan, July 10.
Ayon kay Rodrigo Bulario, Operations Director ng LRT-1, batay sa isinagawa nilang survey, tinatayang 10,000 pang pasahero ang puwedeng sumakay sa 30-minuto na idinagdag nila sa operating hours ng LRT-1.
Ang dating alas-9:30 na last trip ng LRT-1 papunta ng Monumento ay ginawa nang alas-10:00 ng gabi samantalang ang dating alas-10:00 na papunta ng Baclaran ay ginawa nang alas-10:15.
Sinabi ni Bulario na sakaling lumabas na maayos ang dagdag na oras ng operasyon sa kanilang maintenance schedule ay gagawin na nila itong permanente.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Rodrigo Bulario, LRT-1 Operations Director
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas