Dumistansya ang Malakaniyang sa posibilidad ng pagkakaroon ng Joint Exploration ng Pilipinas at China sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ayaw nilang pangunahan ang ilalabas na desisyon ng United Nations Arbitral Court
Wala aniya sa plano ng gubyerno ang posibleng Joint Exploration dahil sensitibo ang usapin at kailangang maging maingat sa mga gagawing hakbang
Binigyang diin ng kalihim na dapat hintayin na lamang kung ano ang magiging resulta ng ilalabas na desisyon bago gumawa ng ibang hakbang
by: Jaymark Dagala