Maganda subalit nakakabahala ang reaksyon ni Professor Clarita Carlos, isang political analyst sa kampanya kontra illegal drugs ng Duterte administration.
Ayon kay Carlos, kapuri-puri ang ginawang pag-aaral ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang tunay na problema ng bansa pagdating sa kriminalidad.
Nagpahayag ng pagasa si Carlos na hindi lalaylay ang nasimulang kampanya kontra sa krimen.
Gayunman, nakakabahala naman aniya ang sunod-sunod na pagpatay sa mga hinihinalang drug dealers.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
Diplomacy
Samantala, maingat at patas ang ginagawang pagtrato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang superpower na bansa, ang Amerika at China.
Ito ang nakikita ni Prof. Clarita Carlos, political analyst sa estilo ng mga ginagawang pahayag ni Pangulong Duterte sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carlos, bagamat akala ng lahat ay palaaway at gumagamit ng mga salitang kalye ng Pangulo, pinapahalagahan aniya nito ang diplomasya sa halip na giyera sa bansang China.
Bahagi ng pahayag ni Professor Clarita Carlos
By Len Aguirre | Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas