Nilinaw ni Kathryn Bernardo kung ano ang ibig sabihin sa kanya ng ‘exclusively dating’.
Ito ay isang linggo matapos na aminin ng on screen partner ng dalagang aktres na si Daniel Padilla na ‘exclusively dating’ na nga sila ni Bernardo.
“Exclusive kami para sa isa’t-isa. Parang hindi ka na open kapag aayain ka lumabas ng iba or anything.” Pahayag ni Bernardo.
Aniya masaya siya na ngayo’y alam na ng kanilang fans kung saan sila nanggagaling at kung gaano na kalalim ang pagkakaintindihan nila ni Padilla.
Na-relieve din aniya siya na si Daniel ang nag-initiate na klaruhin ang real score ng namamagitan sa kanila.
“Ang hirap kasi kapag ‘yung girl ang nagsasalita eh,” Dagdag ng aktres.
Nakatakdang lumabas sa isang bagong pelikula ang KathNiel na halos lahat ng eksena ay kinunan sa Barcelona.
Inaasahang ito na ang “most mature” project ng dalawa.
Photo: Screengrab from bernardokath/Instagram