Nanawagan ng tigil-putukan sa kani-kanilang mga grupo sina South Sudan President Salva Kiir at First Vice President Reik Machar.
Simula kasi noong nakaraang linggo, aabot sa 200 katao na ang nasasawi sa bakbakan sa pagitan ng puwersa ng naturang mga rival leaders.
Nag-ugat ang karahasan sa South Sudan sa shootout kung saan gumamit pa ang magkabilang panig ng matataas na uri ng armas, tangke at helicopters.
Kapwa naman nagkasundo na sina Kiir at Machar na ipatupad ng ceasefire upang matigil na ang tuluy-tuloy na patayan ng kanilang mga tagasuporta.
Una rito, umapela ang UN Security Council na itigil na ng magkabilang panig ang kanilang mga pag-atake lalo’t maraming sibilyan ang nadadamay sa karahasan.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP