Kinumpirma ng House Ad Hoc Committee na inalis na ang ilang probisyon sa Bangsamoro Basic Law o BBL dahil sa impresyon nitong isang sub-state ang itatatag na Bangsamoro Region.
Ayon kay Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez, Chairman ng naturang kumite, kabilang ang preamble sa mga nabagong bahagi ng BBL.
Inalis na rin anya ang pagkakaroon ng ‘wali’ o ceremonial head ng Bangsamoro Region na isa sa katangian ng soberanya.
Inahayag naman ng mambabatas na ang inaprubahang panukala ay tatawagin ng “Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region” at hindi na BBL.
By Meann Tanbio