Tinupok ng apoy ang isang supermarket sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog sa Shoppersville Supermarket alas-5:00 ng madaling araw at umabot ito ng 5th alarm makalipas ang dalawang oras.
Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang nasabing sunog.
Idineklara namang under control ang sunog alas-9:50 ng umaga.
By Judith Larino