Malungkot na ibinalita ng aktres na si Isabelle Daza ang pagpanaw ng amang si Bong Daza.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi nito ang isang throwback photo nila ng ama habang nasa isang restaurant.
May caption itong: “That time you made all the waitresses in Saisaki sing ‘happy birthday’ for me cause I hurt my head!…Love you Pop. Hug Lola Nora for me up in Heaven.”
Hindi naman nagbigay ng detalye ang aktres kaugnay sa dahilan ng pagkamatay ng ama, pero ayon sa mga ulat ay na-ospital ito matapos atakihin sa puso isang linggo na ang nakararaan.