52 Pinoy na positibo ng HIV o Human Immunodeficiency Syndrome ang nasawi nuong buwan ng Mayo.
Batay sa datos ng Dept Of Health Epidemiology Bureau, mas malaki ang itinaas nito kumpara sa Tatlumput Dalawa Kataong HIV Positive na nasawi nuong buwan ng Abril.
Mayorya sa mga nasawi o Dalawamput Syam na kaso ang may edad 25 hanggang 35 na taong gulang. 12 ang may edad 35 haggang 49 samantalang mas mababa sa 24 ang edad ng 10 sa mga nasawi.
Sa 52 nasawi, 50 rito ang lalake samantalang 2 lamang ang babae.
Umaabot na sa 1,759 na Pilipinong PLHIV o People Living With HIV ang nasawi mula nang unang matuklasan ang Virus sa Pilipinas nuong 1984 hanggang nitong Mayo ng 2016.
By: Len Aguirre