Tutulak bukas sa Mongolia si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay para dumalo sa ika-11 Asia Europe Meeting o ASEM sa Ulaanbatar sa Mongolia
Ito’y makaraang isugo siya ni Pangulong Rodrigo Duterte para kumatawan sa kaniya sa nasabing pulong na tatagal hanggang hulyo a-16
Kabilang sa mga isusulong ni Yasay ang pagnanais ng bansa na mapaigting at mapalalim ang relasyon ng Pilipinas sa 53 bansa mula sa Asya at Europa
Partikular na tatalakayin sa nasabing pulong ay ang global challenges kasama na ang Maritime Security at paglaganap ng iligal na droga sa mundo
Ito ang kauna-unahang pulong na dadaluhan ni Yasay bilang Kalihim ng Department of Foreign Affairs mula nang magpalit ang Administrasyon nuong Hunyo 30
Inaasahang tatalakayin din sa nasabing pulong ang mapayapang agenda ng Pilipinas matapos maipanalo ang kasong inihain nito laban sa China hinggil sa Territorial Dispute sa West Philippine Sea
By: Jaymark Dagala