Mahigit 80 ang patay habang mahigit 100 ang sugatan makaraang araruhin ng isang trak ang mga nanunuod sa Bastille Day Fireworks sa Nice, France.
Napatay naman ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang drayber ng trak na responsable sa naturang pag-atake at narekober din ang matataas na kalibre ng baril, granada at iba pang pampasabog sa loob ng sasakyan.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga mamamayan sa France maging ang mga katabing bansa nito na manatili muna sa loob ng kanilang mga bahay para sa kanilang kaligtasan.
Matatandaang walong buwan lamang ang nakalilipas nang atakihin ng Islamic State of Iraq and Syria ang Paris na ikinasawi ng 130 katao.
Samantala, matapos ang insidente ng pag-araro ng trak sa mga tao sa Nice, nagdiwang naman sa pamamagitan ng social media ang mga tagasuporta ng ISIS kung saan ayon sa mga ito dakila anila ang diyos sa naturang pangyayari at kanila itong ikinatutuwa.
By Ralph Obina
Bodies are seen on the ground July 15, 2016 after at least 73 people were killed in Nice, France, when a truck ran into a crowd celebrating the Bastille Day national holiday. Reuters
A body is seen on the ground July 15, 2016 after at least 73 people were killed in Nice, France, when a truck ran into a crowd celebrating the Bastille Day national holiday. Reuters
Photo Credit: AFP /Reuters