Itinigil na ang pagsuplay ng tubig sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga.
Ito’y makaraang maitala ang 180.46 meters na lebel ng tubig sa Angat Dam, malapit na sa critical level na 180 meters.
Sa Angat Dam nagmumula ang suplay ng tubig patungo sa Bustos Dam na siyang pinagmumulan ng tubig para sa irigasyon.
Ayon kay National Irrigation Administration Public Affairs Manager Pilipina Bermudez, hindi naman kailangan ngayon ng mga magsasaka ang tubig dahil panahon pa ng anihan.
By Len Aguirre